Relief Distribution sa Licuan-Baay, Abra isinagawa

    Fort Ramon Magsaysay, Nueva Ecija – Sa pangunguna ng Lokal na Pamahalaan ng Licuan-Baay, katuwang ang 24th Infantry (WILDCAT) Battalion, matagumpay na naisagawa ang pamimimigay ng ayuda o relief distribution sa mga barangay ng Subagan, Tumalip at Bulbulala sa Municipalidad ng Licuan-Baay, Abra noong ika-11 ng Abril 2020.
    Ang nasabing mga relief goods ay naibigay ng matiwasay sa 1,500 residente na apektado ng nasabing pandemyang Covid-19 sa mga nasabing barangay.
    Bawat pamilya ay nakatanggap ng ayudang naglalaman ng sampung (10) kilong bigas, mga de latang pagkain, instant noodles, tag-iisang bote ng patis at mantika, mga gamit pang-banyo at panlinis ng katawan, at isang paketeng asin.
    Ayon sa pahayag ni Kagalanggalang Alejo Domingo, Alkalde ng nasabing bayan, para sa kanyang mga nasasakupan, “Mga kababayan ko, sama-sama nating harapin ang pandemyang COVID-19 sa pamamagitan ng ating pagkakaisa at disiplina bilang mga miyembro ng Tinguian Community, at nawa’y patnubayan tayo ng Poong Maykapal sa krisis na ating dinaranas".
    Inayunan naman ni Lieutenant Colonel Ulysis V. Laude, Commanding Officer ng 24th Infantry Battalion, na ang susi sa tagumpay laban sa COVID-19 ay ang disiplina at pakikisama ng bawat mamamayan sa pagsunod sa mga alituntuning isinaad ng pamahalaan. "Ang ating kooperasyon ang magiging daan para sa magandang resulta ng ating pakikibaka laban sa COVID-19 Crisis,” dagdag pa ni Lieutenant Colonel Laude.

    © 2018 Philippine Army. All Rights Reserved. Designed By AC of S for C4S, G6, 7ID and 7TH SIGNAL BATTALION, ASR, PA