Mga Abreño nakatanggap ng karagdagang ayuda

    Fort Ramon Magsaysay, Nueva Ecija – Mahigit 23 tonelada ng iba’t-ibang uri ng gulay na nagkakahalagang mahigit Php503,000.00 ang inangkat ng Lokal na Pamahalaan ng Abra mula sa Bauko, Mountain Province upang ipamigay sa mga residente ng Abra noong April 13, 2020 bilang karagdagang ayuda para sa mga apektado ng COVID-19 sa nasabing probinsya.
    Katuwang ng lokal na pamahalaan ng Abra ang 24th Infantry “Wildcat” Battalion (24IB), mga kapulisan at iba’t ibang ahensya ng pamahalaan sa paghatid ng mga gulay sa itinalagang imbakan upang ito’y hindi masira at makarating ng maayos sa mga pamilyang apektado ng krisis.
    Nagpapasalamat si Governor Jocelyn Valera-Bernos ng Abra sa lahat ng tumulong upang maayos na maihatid ang mga gulay para sa mga Abreño. Nagbigay pugay din sya sa mga kasundaluhan at kapulisan na palaging handang tumulong sa lahat ng panahon.
    “Sama-sama nating harapin at labanan ang pandemyang COVID-19 sa pamamagitan ng kooperasyon at pagtutulungan ng bawat isa. Mas higit ang magagawa ng inyong Philippine Army kung tayong lahat ay magtutulungan,” saad naman ni Lieutenant Colonel Ulysis V. Laude, pinuno ng 24IB.

    © 2018 Philippine Army. All Rights Reserved. Designed By AC of S for C4S, G6, 7ID and 7TH SIGNAL BATTALION, ASR, PA